Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Umabot sa kabuuang 144 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD).
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na ating kaagapay sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.
Habang bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.