Livelihood Training Production-Dishwashing Liquid

IN PHOTOS | Livelihood Training Production-Dishwashing Liquid, matagumpay na naisagawa sa Lungsod ng Tanauan!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes ang Dishwashing Liquid Training para sa mga kababaihan sa Lungsod ng Tanauan ngayong araw katuwang si Atty. Cristine Collantes kasama si City Cooperatives and Livelihood Office Department Manager (CCLDO), Ms. May Fidelino at City Social Welfare and Development Office (CSWD).
Umabot sa 25 mga kalahok mula sa iba’t ibang Barangay at mga dumalo mula naman sa mga Non-Governmental Organizations kabilang na ang Migrant Workers, ERPAT at MOVE ng Tanauan.
Samantala, patuloy pang sinusuportahan ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang makapagbibigay ng mas maraming benepisyo at proyekto para sa sektor ng kababaihan sa ating Lungsod.
Mabuhay ang mga kababaihan sa Lungsod ng Tanauan!
Previous Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved