License to Own and Posses Firearm (LTOPF) Caravan, isinagawa sa Lungsod ng Tanauan!
Sa pakikipagtulungan ng Tanauan PS Pulis kay Mayor Sonny Perez Collantes, kasalukuyang inilunsad ngayong araw sa Lungsod ng Tanauan ang License to Own and Posses Firearm (LTOPF) Caravan para sa ating mga kababayang nagnanais na iparehistro ang kanilang mga baril.
Simula kaninang umaga, tinatayang aabot na sa 100 na mga aplikante na ang sineserbisyuhan sa nasabing aktibidad at nakatakdang ipagpatuloy hanggang bukas, ika-24 ng Pebrero, 8:00 AM hanggang 5:00 PM sa Gov. Modesto Castillo Cultural Center, Brgy, Poblacion 2.
Ang nasabing aktibidad ay pamamaraan ng Lungsod katuwang ang ating mga kapulisan upang masiguradong ligtas at nasusunod ang Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ng ating mga mamamayang nagmamay-ari ng mga baril.
o makipag-ugnayan kay PCPL Mariel Castillo o PCPL Joeferson Fajardo (09393227848)