Personal na binisita ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes ang ginanap na Free Medical Services sa Brgy. Pantay Bata na handog ng Regum Christi Tanauan City at Helping Hands Medical Missions Team katuwang ang Sangguniang Barangay ng Pantay Bata sa pamumuno ni Kap. Mike Manalo.
Kabilang sa mga serbisyong inihahatid nang libre ay ang mga laboratory tests, medical and pedia consultation, dental services, ophthalmology at mga libreng gamot.
Ito ay bahagi ng masidhing pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa mga pribadong sektor na layong mabigyan ng kaukulang suporta ang ating mga kababayan pagdating sa kanilang medikal na pangangailangan.