Libreng Gatas at ECCD Check List para sa ating mga Child Development Learners!

Libreng Gatas at ECCD Check List para sa ating mga Child Development Learners!
Kasama ang mga Child Development Workers, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Social Welfare and Development Office kahapon ang mga Food Items at kauna-unahang Libreng Gatas at Early Childhood Care and Development Checklist para sa ating Child Development Learners sa bawat Barangay.
Kasabay ng taunang National Supplementary Program, ito rin ang kauna-unahang pagkakataong naghandog ang Pamahalaang Lungsod ng Libreng Gatas na layong sila ay mabigyan ng wastong nutrisyon at malusog na pangangatawan.
Ito ay bahagi ng maigting na suporta ni Mayor Sonny Perez Collantes upang pangalagaan ang mga susunod na henerasyon na magiging daan para sa magandang bukas ng Lungsod ng Tanauan.
Previous Bagong School Building ng Paaralang Sentral ng Talaga, ipinaabot nina Mayor

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENTΒ© 2022 All Rights Reserved