LIBRENG FLU VACCINE

LIBRENG FLU VACCINE, HANDOG NI MAYOR SONNY AT CONGRESSWOMAN MAITET SA MGA KAWANI NG PAMAHALAANG LUNGSOD!
Kasabay ng paglulunsad ng libreng Flu Vaccine sa ating mga Senior Citizen, nagsasagawa rin ngayong araw ng Flu vaccination sa New Tanauan City Hall para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.
Ito ay inisyatibo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes katuwang ang ating City Health Office na layong mabigyan ng seguridad ang kalusugan ng bawat kawani upang makaiwas sa pagkakaroon ng sakit tulad ng trangkaso.
Samantala, patuloy pang pinaiigting ng ating butihing Mayor katuwang ang ating ina ng ikatlong distrito ang paglikha ng iba pang mga programang pangkalusugan hindi lamang sa mga kawani pati na rin sa ating mga kababayang Tanaueño.
By: Fash
Previous Mabuhay ang mga bagong kasal!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved