“𝐑𝐞𝐠𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐍𝐠𝐢𝐭𝐢”- 𝐂𝐥𝐞𝐟𝐭 𝐋𝐢𝐩 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐥𝐞𝐟𝐭 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐭𝐞 𝐒𝐮𝐫𝐠𝐞𝐫𝐲, 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐢𝐡𝐚𝐡𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐞ñ𝐨!
Mas magandang ngiti ang naghihintay sa ating mga Tanaueño matapos makipag-ugnayan nina Mayor Sonny Perez Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Tanauan City Health Office head Dra Anna Dalawampu sa pribadong sektor sa pangunguna nina Dr. Ramonito R. Lee, Dr. Charleston Uy, at Dr. Monchet Torres para sa kanilang “Regalong Ngiti”Project o libreng cleft lip and cleft palate surgery.
Layon ng “𝐑𝐞𝐠𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐍𝐠𝐢𝐭𝐢” 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭 na maghatid ng libreng opera para sa mga kababayan nating may kondisyon ng cleft lip at cleft palate, bata man o matanda. Sa pagpupulong, taos pusong nagpasalamat si Mayor Sonny Collantes sa grupo ni Dr. Lee sa bukas-palad nitong pagpili sa Lungsod ng Tanauan para maging benepisyaryo ng kanilang programa. Aniya, malaking bagay ang inisyatibo na ito upang mabigyan ng panibagong pag-asa ang ating mga kababayan. Habang ibinahagi naman nina Dr. Lee ang ilan sa mga matagumpay nilang operasyon sa ilalim ng Philippine Dental Association. Para sa mga Tanaueño nating may ganitong sitwasyon, maaaring makipag-ugnayan sa City Health Office para sa iba pang detalye.