Land Reclassification, Annual Investment Plan 2023 at Endorsement of ELA 2022-2025, tinalakay sa 2nd Tanauan City Full Council Meeting
Pinangunahan ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng City Planning and Development Office (CPDO) ang 2nd Tanauan City Full Council Meeting kung saan tinalakay ang pag-apruba ng resolusyon patungkol sa Land Reclassification na ieendorso sa Sangguniang Panlungsod alinsunod sa Section 20 ng RA 7160 o Local Government Code of 1991.
Nakapaloob rin sa nasabing resolusyon ang kaukulang guidelines at pagbibigay-kapangyarihan sa CDC sa pagproseso ng Land Reclassification ng bawat lupa base sa “development needs” ng Lungsod.
Inilatag rin dito ang aprubadong Annual Investment Plan para sa taong 2023 at binuong Executive-Legislative Agenda na layuning bigyang-prayoridad ang komprehensibong serbisyong-publikong inihahatid ng bawat departamento ng Pamahalaang Lungsod at maging ang mga inaasahang pagawaing bayan para sa bawat barangay.
Habang itinalaga naman bilang Vice Chairperson for City Development Council si City Administrator Mr. Wilfredo Ablao.
Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan din nina Chair Committee on Budget and Appropriations Councilor Glen Win Gonzales, at ABC President Kap. Rannie Fruelda, kabilang na ang mga pinuno ng 48 na mga barangay sa lungsod at 18 mga kinatawan ng Civil Society Organizations.
Samantala, ipinakita rin ng mga kinatawan ng Solar Philippines at ng Tanauan City Park Place ang kani-kanilang mga proposed projects na makatutulong sa ating mga mamamayan at lalo’t higit sa ating Lungsod.