CGT Kasalang Bayan 2024, tagumpay! Pinasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes

Love is in the air sa Lungsod ng Tanauan ngayong Araw ng mga Puso matapos tagumpay na pasinayaan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pag-iisang dibdib ng 75 magsing-irog katuwang ang Local Civil Registry.

Kabilang sa mga regalong inihandog ng Pamahalaang Lungsod ay ang libreng aras, singsing, pagproseso ng mga dokumentong kinakailangan sa civil wedding at regalong photo frame para sa mga bagong mag-asawa.

Samantala, naging bahagi rin nito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga Department Managers na nagsilbing saksi sa napakahalagang araw ng mga kababayan nating ikinasal.

Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, kami ay taos pusong bumabati ng maligayang araw ng mga puso at hangad namin ang masaganang buhay sa inyong buhay bilang bagong mag-asawa!


Previous Centenarian mula sa Brgy. Banjo West at Bagbag, personal na binisita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved