Mayor Sonny Perez Collantes

Karagdagang seminar at training para sa ating mga kababaihan, sa Lungsod ng Tanauan

Karagdagang seminar at training para sa ating mga kababaihan, naisakatuparan ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng Women’s Month!
Kasabay ng ating pagdiriwang sa buwan ng Kababaihan, iba’t ibang mga programa ang inihanda ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang GAD Tanauan, kabilang na rito ang isinasagawa ngayong araw na Forum and Assembly patungkol sa Women’s Economic and Political Forum na layong bigyan ng malalim na kaalaman ang mga dumalo patungkol sa malaking kontribusyon ng kanilang sektor sa Ekonomiya at Politikal ng isang maunlad na Lungsod.
Bilang pakikiisa, dumalo at naghayag ng suporta sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para bigyan ng pagkilala ang kanilang malaking ginagampanan sa Lipunan at sa progresibo nating Lungsod.
Binigyan diin ni Congw. Maitet na siya ay patuloy na lilikha ng mga panukalang batas upang isulong ang karapatan at karagdagang benipisyo para sa mga kababaihan sa ating Lungsod at buong distrito.
Patuloy naman ang paglikha ni Mayor Sonny Perez Collantes ng mga programa at aktibidad katuwang si TWCC President Atty. Cristine Collantes para kilalanin ang ating Lungsod na binibigyang pugay ang lakas, husay at karapatan ng sektor ng ating mga kababaihan.
Previous Free Pap Smear para sa mga Tanaueña at iba pang serbisyong medikal

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved