Mayor Sonny Perez Collantes

Karagdagang pondo para sa Composting Equipments and Facility

Karagdagang pondo para sa Composting Equipments and Facility, ihahatid nina Mayor Sonny Perez Collantes at Fertilizers and Pesticides Authority para sa ating mga magsasaka!
Nakipagpulong ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamayan ang mga kawani ng Fertilizer and Pesticide Authority (Philippines) sa pangunguna nina FPA Regional Officer of CALABARZON Suzetti Alcaide at Field Operations Coordinating Unit – FPA Central Office Edward Calapatia.
Kanilang tinalakay ang pagkakaroon ng Fortified Organic Fertilizer Development Program sa Lungsod ng Tanauan na layong handugan ng karagdagang pondo ang ating Lokal na Pamahalaan para ilaan sa pagbili ng mga kagamitan ng Composting Facility upang makapag-produce ng mga organic Fertilizers na maipamamahagi sa ating mga kababayang magsasaka.
Samantala, patuloy ang isinasagawang hakbang ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapabuti ng kabuhayan ng ating mga kababayan, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal para sa mas malawak na programa tungo sa maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Previous Civil Wedding

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved