Karagdagang benipisyaryo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Karagdagang benipisyaryo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program, tinalakay ng ating Punong Lungsod at 4Ps Batangas Provincial Operation Office 1 and 2 ngayong araw!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa mga ahensya ng Pamahalaang Nasyunal, nagsagawa ang 4Ps Batangas Provincial Operation Office 1 and 2 ng Pulong Talakayan sa Gov. Modesto Memorial Cultural Center para pag-usapan ang karagdagang benipisyaryo ng 4Ps at iba pang mga programa na kanilang isusulong sa Tanauan.
Binigyang pansin naman ng ating Punong Lungsod na paigtingin ang pagsasagawa ng konsultasyon sa mga komunidad upang mapabilis ang pagkalap ng impormasyon sa mga mahihirap na Pamilya sa Lungsod.
Nakahanda ring sumuporta ang Pamahalaang Lungsod katuwang ang City Social Welfare and Development Office upang mas mabilis na maibababa ang proyekto ng Pamahalaang Nasyunal sa bawat Pamilyang Tanaueño.
Previous Muling pinulong ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang mga kapitan para sa kanilang nasasakupan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved