KaNegosyo Program para sa mga Tanaueño!

Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Cebuana Lhuillier, magkatuwang na ihahatid ang KaNegosyo Program para sa mga Tanaueño!
Upang lalong palakasin ang sektor ng MSMEs sa Lungsod ng Tanauan, nakipagpulong kahapon sina Mayor Sonny Perez Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at CCLDO Department Manager Ms. May Teresita Fidelino sa mga kinatawan ng Cebuana Lhuillier patungkol sa kanilang programang KaNegosyo Center.
Ang nasabing programa ay layong matulungan ang ating mga maliliit na negosyanteng Tanaueño pagdating sa financing, business coaching, at access sa mga business forms na kanilang kakailanganin.
Bukod dito, ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong ahensya tulad ng Cebuana ay magkatuwang na inisyatibo nina Mayor Sonny at Atty. Cristine Collantes upang makapaghatid ng karagdagang kita para sa mga Tanaueño at mapalakas ang lokal na ekonomiya ng Lungsod.
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at Cebuana Lhuillier, inaasahan din na makapaghahatid ito ng one-stop shop business opportunities para sa mga iba pang nagnanais na magtayo ng negosyo sa ating Lungsod.
#KaNegosyoCenter
#CebuanaLhuillier
#CityGovernmentOfTanauan
#TanauanCityBatangas
Previous Congratulations Daycare Graduates from Brgy. Bagumbayan, Hidalgo, Mabini, Tinurik at Bagbag

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version