Kabuhayan at oportunidad sa ibang bansa, prayoridad na programa ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa ating mga kababayan!
Isang magandang balita ang ipinaabot ng ating Punong Lungsod sa mga Help Desk Officers at mga Presidente ng OFW sa ating mga Barangay hinggil sa naghihintay na oportunidad sa ating mga kababayang nagnanais makapaghanap-buhay sa mga karatig nating Bansa, kung saan iba’t ibang mga ahensya at organisasyon ang kaniyang nakausap na layuning magbigay ng kabuhayan sa ating mga Tanaueno.
Kaya naman, katuwang si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at City Social Welfare and Development pinagpaplanuhan na ng ating Lokal na Pamahalaan ang pagsasagawa ng Foreign Language Training sa mga Paaralan at Komunidad para sa mga kababayan natin na gustong makapagtrabaho abroad partikular sa bansang Japan, China at South Korea.
Matatandaang isa lamang ito sa mga adhikain ni Mayor Sonny upang mapabuti at mabigyan ng magandang bukas ang bawat Pamilyang Tanaueño sa Lungsod ng Tanauan.