Lungsod ng Tanauan

Isinagawa ngayong araw ang pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at kumpanyang MuRata!

Isinagawa ngayong araw (13 March 2024) ang pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ng Tanauan City Planning and Development Office at kumpanyang MuRata.

Dinaluhan ito ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama ang ilang mga kabahaging Department Managers sa pangunguna ni City Administrator Mr. Wilfredo Ablao at mga kawani ng MuRata.

Kabilang sa mga sektor na tututukan ng CSR Programs ng MuRata katuwang ang ilang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan ay ang edukasyon, kalusugan, pangkabuhayan, turismo, sports, at kalikasan sa paligid ng Bulkang Taal at San Juan River.

Inaasahan naman na sa darating na Abril ay isasagawa rin ang Signing of Memorandum of Agreement sa pagitan ng MuRata at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan na magpapatibay at mas magpapalawig ng mga programa para sa mga Tanaueรฑo.

Samantala, nagpaabot naman ng taos pusong pasasalamat at suporta si TWCC President Atty. Atty Cristine Collantes sa mga programang nakaplano ng kumpanyang MuRata para sa Lungsod ng Tanauan.

Ang Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc. ay isang technology and capacitor manufacturer at isa sa mga kumpanyang kasalukuyang matatagpuan sa First Philippine Industrial Park, Brgy. Pantay Bata na naghahatid ng trabaho at pangkabuhayan sa ating mga kababayan.

Previous Gender Sensitivity and Anti-Trafficking In Person Act of 2003 (R.A. 9208) Orientation ng LEDIPO, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes!

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved