Information Education Campaign on Environmental Laws

Information Education Campaign on Environmental Laws, nais paglaanan ng pondo ni Mayor Sonny Perez Collantes
Mula sa inisyatibo ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes na mapanatili ang kalinisan sa ating Lungsod patuloy ang pagsulong ng mga programa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pamumuno ni Engr. Enrico Javier na mangangalaga at magbibigay proteksyon sa ating kalikasan.
Tinalakay rito ang mga isinagawang hakbang ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa nakalipas na mga buwan para mapanatili ang kalinisan sa ating Lungsod. Kabilang dito, ang masidhing pangongolekta ng basura sa bawat Barangay, 24/7 na operasyon ng ating mga Street Sweeper sa Lungsod ng Tanauan at paggamit ng Materials Recovery Facility (MRF) para pagkunan ng mga composting materials na pinoproseso mula sa nakokolektang mga basura.
Pinaiigting din ang implementasyon para sa panghuhuli at pagmumulta sa mga kababayan nating nalabag sa mga ipinatutupad na ordinansa katulad ng ilegal na pagtatapon ng basura at pagkakalat sa mga kalye, gayundin ang paggamit ng plastik sa mga pampublikong pamilihan.
Nais rin paglaanan ng pondo ng Pamahalaang Lungsod ang isinasagawang Information Education campaign sa bawat Barangay para sa mas malawak na paghahatid ng kaalaman sa bawat mamamayan hinggil sa Environmental Laws at sa Solid Waste Management.
Previous MAHARLIKANS Fraternal and Sororal Order of Tigers (Tiger of Asia) Chartering and Joint Induction

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved