Taunang Pagtatapos

Ikalabinlimang Taunang Pagtatapos, “Gradweyt ng K-12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon.”

IN PHOTOS | Ikalabinlimang Taunang Pagtatapos, “Gradweyt ng K-12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon.”
Mahigit 300 na mga mag-aaral na Tanaueño sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) ang matagumpay na nagsipagtapos sa ika-15 na Taunang Pagtatapos na pinangunahan ng City Schools Division of Tanauan City sa pamumuno ni Ms. Lourdes Bermudez, CESO VI ngayong araw, ika-10 ng Agosto.
Masayang nakiisa rito ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes bilang panauhing pandangal ng nasabing seremonya. Dito kaniyang inihayag ang kahalagahan ng edukasyon bilang isang pangunahing sangkap sa mas maunlad na Lungsod. Aniya, ang pagtatapos na ito ay simula lamang ng pagbubukas ng marami pang oportunidad para sa kanilang mga landas na tatahakin sa hinaharap. Binigyang diin niya rin ang patuloy na ibinababang programa ng Pamahalaang Lungsod para sa adbokasiya ng pantay at inklusibong edukasyon para sa lahat at mas magandang bukas para sa bawat Tanaueño.
Nakibahagi rin at nagpaabot ng suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Czylene Marqueses, Kon. Sam Torres Aquini Bengzon, Kon. Dra. Kristel Nones Guelos, Kon. BGen. Ben Corona at Konsehal Eric Manglo.
Ang isinagawang pagtatapos na ito ay ikalawang pagkakataon ng hybrid graduation sa kasaysayan ng ALS Tanauan kung saan nagsama-sama ang lahat ng mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa ating Lungsod.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang pagpupugay at pagbati sa lahat ng nagsipagtapos!
Previous Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved