Happy Monday, mga Tanaueños!
Sa pagsisimula ng ika-57 na Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan, malugod na pinasinayaan ito ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Bilang bahagi ng lingguhang ulat-bayan, narito ang mga naging aktibidad ng lokal na pamahalaan patungkol sa mga sumusunod:
• Pamamahagi ng cash assistance para sa mga coaches at manlalaro ng Little League Philippine Series-NCR South Luzon Leg
Isang magandang balita rin ang ibinahagi ni Mayor Sonny kung saan kinilala ang Lungsod ng Tanauan sa 2023 Good Financial Housekeeping Passers na indikasyon ng maayos at tamang na pamamahala ng pondo ng lungsod. Bukod dito, ginawaran din ng ISO Certification ang lokal na pamahalaan para sa Quality Service Management ng 14 Core Processes at 12 Support Processes ng mga tanggapan nito.
Naging matagumpay rin ang isinagawang Little League Philippine Series-NCR South Luzon Leg kung saan nasungkit ng Lungsod ng Tanauan ang kampeonato para sa pitong kategorya.
Samanatala, bilang bahagi ng nalalapit na Chinese New Year, malugod na binati rin ni Mayor Sonny ang lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod para sa mas progresibong paglilingkod para sa mga Tanaueño.