Ika-16 na Selebrasyon ng Kooperatiba, Tagumpay na naisagaw sa Lungsod ng Tanauan!
Mula sa dalawang taong selebrasyon online dulot ng pandemya, Sama-samang tinipon ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng Ccldo Tanauan ang 33 Kooperatiba sa ating Lungsod upang saksihan ang iba’t ibang aktibidad na inihanda ng ilang bahagi ng Selebrasyon ng Buwan ng Kooperatiba ngayong taon.
Sa naturang aktibidad, malugod na ibinalita rin ni CCLDO Head Ms. May Teresita Fidelino ang kasalukuyang estado at mga programang ibinababa ng kanilang Tanggapan para sa bawat kooperatiba katulong ang ating lokal na pamahalaan at Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, kasama ang nasyunal na ahensya tulad ng TESDA Region IV-A, Department of Agriculture at Cooperative Development Authority.
Samantala, kasabay na iginawad din sa ating Tanauan City Cooperative Development Council Honorary Chair Mayor Sonny Perez Collantes ang pagkilala mula sa Cooperative Development Authority para sa kaniyang hindi matatawarang pag-agapay sa pagpapalakas ng nasabing sector sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho, paghahatid ng Skills Trainings at suporta sa Micro, Small, and Medium Entrepreneur (MSMEs) ng Lungsod.
Habang nakiisa rin sa pagtitipon na ito sina Atty. King Collantes na kumatawan sa ating Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Regional Director Giovanni Platero na kinatawanan ni Ms. Bernadeth, Provincial Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial Development Office (PCLEDO) Batangas Head Celia Atienza na kinatawanan ni Ms. Maristel Laguado
Kabilang din sa naturang selebrasyon ang Pagtatanghal ng mga miyembro ng kooperatibang kalahok, Mutya ng Kooperatiba at presentasyon ng mga Produktong Tanauan.