Natatanging kontribusyon at legasiya ni Gov. Modesto Castillo, kinilala ng Pamahalaang Lungsod sa kaniyang ika-138 anibersaryong kapanganakan.
Bilang pag-alala sa natatanging kontribusyon ni Governor Modesto Castillo sa Lungsod ng Tanauan at Lalawigan ng Batangas binigyang pagkikilala ngayong araw ang kaniyang husay, dedikasyon at sakripisyo para sa Serbisyong Publiko na nagsilbi bilang huwaran ng ating mga Lingkod Bayan partikular na ang ating butihing ama ng Lungsod Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes.
Kasabay nito ang Flower Offerings sa harapan ng Gov Modesto Castillo Memorial Cultural Center bilang pagpupugay at pag-alaala sa kaniyang ika-138 Anibersaryo ng kaniyang kapanganakan. Sa isang mensahe, pinuri ni Congw. Maitet Collantes ang iniwang pamana ni Gov Modesto hindi lamang sa Tanauan maging sa buong lalawigan ng Batangas na malaki ang naging kapakinabangan sa ating mga kababayan hanggang sa kasalukuyan.
Kinilala naman ni Mayor Sonny ang natatanging galing ng Gobernador na nagsilbi bilang kaniyang huwaran partikular sa pagsisilbi para sa ating mga kababayan. Hinikayat niya rin ang mga dumalo na patuloy na isapuso at alalahanin ang kaniyang mga iniwang legasiya upang maging inspirasyon ng ating makabagong panahon at henerasyon.
Present naman sa nasabing pagdiriwang ang mga Pamilya ni Gov. Modesto Castillo, miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga Organisasyon at samahan at mga ahensya sa Lungsod ng Tanauan.