Bagong foodtrip tambayan ang maaari nang bisitahin ng ating mga kababayan simula ngayong araw sa Plaza Mabini matapos pasinayaan ngayong araw ang pagbubukas ng Tanauan City Trade Fair sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at TCWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan.
Kabilang sa mga produktong ibinida rito ay bread and pastry, agricultural crops, handicrafts & souvenir, dairy products, processed food at iba pa mula sa ating mga locally-assisted na mga MSMEs.
Bukod sa Trade Fair, bukas rin ang Fundawan sa Plaza para sa iba pang produktong pagkain at Juanapbuhay booth ng LYDO – Tanauan City tampok ang handicrafts gawa ng mga kabataang Tanaueño mula sa iba’t ibang barangay.
Bukas ang Trade Fair hanggang ika-10 ng Marso sa harap ng Gov. Modesto Castillo Cultural Memorial Center, Brgy. Pob. 2, Tanauan City para sa mga nais bumisita at bumili ng mga produkto.