Husay at talino ng mga kabataang Tanaueño, kinilala ni Mayor Sonny!

Husay at talino ng mga kabataang Tanaueño, kinilala ni Mayor Sonny!
Muling bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang ipinagmamalaki nating Math Wizard mula sa Brgy. Sambat na si Mr. Jef Noah B. Soliman at kaniyang kapatid na si Mr. Jef Nash B. Soliman ngayong araw.
Matatandaang ibinahagi ng kanilang mga magulang na 1 yr old pa lamang ay kaya na nilang magbilang ng 1 to 100 at mag-solve ng basic math operations. Kaya naman wagi ang mga ito sa iba’t ibang International Competition tulad ng pagkamit ng Silver Award sa Math Olympiads, World Rank 1 sa First Institute for Research in Mathematical Science and the Canadian Mathematical Society at maraming pang iba.
Kasabay ng papuri at pasasalamat binigyang diin ni Mayor Sonny na kaniyang suportado ang galing at husay ng mga kabataang Tanaueño sa iba’t ibang larangan. Lagi ring nakahandang umagapay ang Pamahalaang Lungsod para sa pag-abot ng pangarap ng mga kabataan sa Lungsod.
Previous Local Committee on Anti-Trafficking and Migration Council meeting

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved