Hiling na pagsasaayos ng bagong Multi Purpose Building sa Barangay Pantay Bata

Hiling na pagsasaayos ng bagong Multi Purpose Building sa Barangay Pantay Bata, tinugunan ng Pamahalaang Lungsod!
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa bawat Barangay sa Tanauan, naging daan ito upang mapakinggan at matugunan ang kani-kanilang mga pangangailangan sa kanilang komunidad.
Kaya naman, taos pusong nagpapasalamat ang Sangguniang barangay ng pantay BATA sa pamumuno ni Kapitan Miguel P. Manalo para sa pagsasakatuparan ng kanilang hiling na improvement at pagpapatayo ng bagong Multi Purpose Building.
Layon ng proyektong ito na mas marami pang mga kababayan natin sa Barangay Pantay Bata ang mapauunlakan at mahahatiran ng serbisyo ng Sangguniang Barangay ng Pantay Bata at ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.
By: Fash
Previous UCLG

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved