Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nagpaabot ng Health Emergency Allowance (HEA) para sa Barangay Health Workers
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes na mapalakas ang sektor pangkalusugan sa Lungsod, tagumpay na ipinaabot ang cash allowance para sa ating 432 na mga Barangay Health Workers katuwang ang Tanauan City Health Office at City Treasury Office.
Ang nasabing allowance ay mula sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa Department of Health upang masiguradong nasusuportahan din ang ating mga Frontliners sa bawat barangay.
Samantala, bukod sa allowance, nagpaabot din ng bigas at grocery packs para sa ating mga BHW na pinangunahan nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes na ating kabahagi sa paghahatid ng mga programa mula sa iba’t ibang ahensya para sa mamamayang Tanaueรฑo.