Happy 31st Founding Anniversary United Kabalikat Civicom!

Sa espesyal na selebrasyon ng kanilang organisasyon ngayong taon, pinasalamatan ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga miyembro ng UKC Tanauan City para sa hindi matatawarang pag-agapay sa ating Pamahalaang Lungsod sa pagtulong sa pamamagitan ng mabilis at maayos na komunikasyon para sa pagresponde sa ating mga kababayan sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.

Kasabay ng kanilang pagdiriwang, isinagawa rin ang Feeding Program at Gift Giving para sa mga batang benepisyaryo ng 4Ps sa Brgy. Poblacion 1, 2, 3, 4, 5, 6 at 7 sa pangunguna nina UKC President Eldrin Mangubat at Punong Barangay ng Pantay Bata Kap. Miguel Manalo bilang kinatawan ng National Executive Council ng United Kabalikat Civicom bilang National Governor ng Region 4A.

Habang, nakiisa rin dito si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na nagpaabot rin ng mensahe ng pasasalamat at pagbati para sa kanilang adbokasiya at pagtulong sa ating mga kababayan.

Previous Educational Assistance para sa mga mag-aaral mula Poblacion 6 at 7, inihatid ng Pamahalaang Lungsod!

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved