Handwashing Liquid Soap mula sa mga opisyales ng Manila Water Foundation para sa mga 4ps Beneficiaries

Pangangalaga sa kalusugan ng ating mga 4Ps Beneficiaries, magkatuwang na tututukan ni Mayor Sonny at Manila Water Foundation!
Ngayong umaga ay malugod na tinanggap nina Mayor Sonny Perez Collantes at Atty. Cristine Collantes ang handog na Handwashing Liquid Soap mula sa mga opisyales ng Manila Water Foundation katuwang ang P&G Safeguard Philippines at MWPV SOUTH LUZON WATER CORP. para sa ating mga kababayang Benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps upang layong isulong ang programang “MAGING LIGTAS, MAG #SAFEWASH sa ating Lungsod.
Bukod pa rito nagkaroon ng makahulugang pagpupulong ang naganap hinggil sa isinasagawang hakbang ng Pamahalaang Lungsod sa mga programang pangkalusugan, kung kaya’t inihayag ng Manila Water Foundation na sila ay magiging kabahagi ng ating Lokal na Pamahalaan upang maproteksyonan at mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan.
Samantala, sa patuloy na pakikipag-usap ni Mayor Sonny sa iba’t ibang organisasyon at kumpanya sa ating Lalawigan, mas pinalalawig nito ang magandang ugnayan upang lumikha ng sistematikong mga programang magiging kapaki-pakinabang sa bawat pamilyang Tanaueño.
Previous Seed Capital Fund Cheque For Small Ville SLP Association

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved