Halal Certified Slaughterhouse, bibigyang katuparan ng ating Punong Lungsod katuwang ang Department of Trade and Industry!

Halal Certified Slaughterhouse, bibigyang katuparan ng ating Punong Lungsod katuwang ang Department of Trade and Industry!
Sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa Pamahalaang Nasyunal, nagtungo ngayong araw ang mga kawani at opisyal mula sa Department of Trade and Industry sa pangunguna ni DTI Deputy Executive Director Dimnatang M. Radia.
Tinalakay rito ang Livestock industry na magiging bahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng ating Lungsod. Kaugnay nito, binigyang pansin ang ating Slaughterhouse dahil sa plano itong maging Halal Certified Facility upang makahikayat ng mga muslim na mamimili, layon din nito na makapag-suplay ng karne sa mga karatig na lugar at probinsya upang dito na sa ating Lungsod umangkat ng karne para sa kanilang mga pampublikong Pamilihan.
Samantala, patuloy ang isinasagawang hakbang ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapabuti ng ekonomiya ng Tanauan, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa ating Pamahalaang Nasyunal para sa mas malawak na programa tungo sa maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Previous Balele Multi-Purpose Cooperative (BMPC) tuloy tuloy ang proyektong KADIWA para sa mga Tanaueรฑo.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved