“Good Luck Philippine Team (Tanauan City), Bring home the Bacon!”

“Good Luck Philippine Team (Tanauan City), Bring home the Bacon!”
Ito ang pabaong mensahe nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ating mga koponan na lalaban sa darating na ika-20 ng Hunyo para sa 2023 Little League Baseball Asia-Pacific & Middle East Regional Tournament na gaganapin sa Bansang South Korea.
Kaniya ring binigyang diin na ipakita ang pagiging mabuti nating Pinoy at ipagmalaki ang natatanging husay ng ating mga kabataang Tanaueño sa Larangan ng Baseball upang makamit ang karangalan para sa ating Bansa.
Matatandaang nauna nang nakipag-ugnayan ang ating Punong Lungsod sa iba’t ibang organisasyon at kumpanya upang kumalap ng suporta, kung saan kabilang na rito ang San Miguel Corporation para sa ating mga atletang irerepresenta ang ating Bansa sa naturang kompetisyon.
Kasabay nito ang personal na pamamahagi ng Uniporme, Sumbrero, Sapatos at munting pabaon sa ating mga atleta bilang patunay na binibigyang importansya ng Pamahalaang Lungsod ang sektor ng mga kabataan sa Lungsod ng Tanauan.
Muli, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pabaon namin ang suporta para sa inyong nalalapit na laban!
Previous Serbisyong Publiko Caravan-Medical Mission sa Brgy. Poblacion 2

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved