FUNdawan Market sa Tanauan, bukas na muli sa publiko!

Alinsunod sa layunin ni Mayor Sonny Perez Collantes na palakasin ang MSMEs at turismo sa Lungsod, Pormal nang binuksan ngayong araw ang FUNdawan Market kung saan matatagpuan ang iba’t ibang locally-made products ng ating mga kababayang Tanaueño.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang importansya nito ang paghahatid ng mga programang makatutulong sa ating mga locally-assisted na mga MSMEs. Katuwang ang Ccldo Tanauan, mas pinapalawak aniya ang mga serbisyong hatid ng pamahalaan tulad ng libreng trainings, pagpapaabot ng kagamitang pantinda at pagtatayo ng Weekend market upang mapalaki ang kita ng ating mga kababayan at matulungan ang ekonomiya ng Lungsod.

Bukod dito, isa-isang binisita rin ng alkalde kasama si Atty. Cristine Collantes at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang mga stalls at sinilip ang mga ibinibenta nilang mga produkto na tiyak na dadayuhin ng ating mga kababayan at mga turista.

FUNdawan Market

Samantala, bukas ang FUNdawan Market araw araw sa harap ng Gov. Modesto Castillo Cultural Memorial Center, Brgy. Pob. 2, Tanauan City.

Previous Corporate Social Responsibility project, magkatuwang na tututukan ni Mayor Sonny Perez Collantes at Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc.

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved