Mayor Sonny Perez Collantes

Free Ligation Program para sa ating mga kababayan ng Lungsod ng Tanauan

Free Ligation Program ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa ating mga kababayan, nabigyang katuparan ngayong araw katuwang ang Commission on Population and Development at Laurel Memorial District Hospital.
Sa pagnanais na maging Zero (0) Population Growth ang Lungsod ng Tanauan sa taong 2027, nagkaroon ng Free Ligation Program (Bilateral Tubal Ligation) ang Pamahalaang Lungsod katuwang ang City Health Office, Commission on Population and Development at Laurel Memorial District Hospital na nagsilbing pasilidad ng programa.
Layon nito na paigtingin ang Family Planning Program sa Lungsod upang mapigilan ang paglobo ng populasyon sa Tanauan sa mga susunod na taon.
Samantala, isa lamang ito sa mga programa ni Mayor Sonny upang patuloy na mapangalagaan ang bawat Pamilyang Tanaueño. Patuloy rin ang mga ginagawang hakbang ng ating Lokal na Pamahalaan para sa pagpapalawig ng mga programa para sa sektor ng kalusugan.
Previous NEGOSYO KABUHAYAN CARAVAN ng Pamahalaang Lungsod

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved