Free Eye Check-Up and Consultation para sa ating mga PWD at Senior Citizens

Free Eye Check-Up and Consultation para sa ating mga PWD at Senior Citizens, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan!
Upang patuloy na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayang Tanaueño, isinasagawa ngayong araw ang libreng eye examination para sa ating PWD at Senior Citizens sa Lungsod, handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamamagitan ng OSCA Tanauan at Pdao Tanauan, katuwang ang Integrated Philippine Association of Optometrists.
Kabilang din sa ipinamahagi rito ay mga libreng salamin para sa ating mga kababayan at libreng Ophthalmoscopy na test upang alamin kung may katarata ba ang ang isang indibidwal.
Kung sakaling makitaan ng sintomas, tiniyak ni Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at ng IPAO na bukas ang kanilang Tanggapan upang tulungan ang ating mga Tanaueño para sa kanilang medikasyon at operasyon.
Previous Aprubadong konstruksyon ng mga karagdagang silid-aralan tinalakay sa Local School Board Meeting

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version