Tanaueño, Tanauan

Free Accident and Life Insurance para sa magsasakang Tanaueño!

300 na mga magsasakang Tanaueño ang nakatakdang benepisyaryo ng Free Life and Accident Insurance sa pamamagitan ng “Livestock Farmers Insured na Rin” program na handog ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Philippines Crop Insurance Corporation at Office of the City Veterinarian sa pamumuno ni Dr. Aries Garcia.

Bahagi ito ng Week-long Celebration ngayong nalalapit ang 23rd Tanauan Cityhood Anniversary upang bigyan ng suporta at mas maraming oportunidad ang ating mga magsasaka para sa kanilang pakikiisa na maitaguyod ang sektor ng paghahayupan sa Lungsod ng Tanauan.

Ayon sa ating Punong Lungsod ang naturang benepisyo ay malaki ang maitutulong para sa ating mga magsasaka sa oras na kanilang kakailanganin sa mga darating na panahon.

Previous Serbisyong Pangkalusugan para sa mga 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐞ñ𝐨, Binuksan na ngayong araw sa mega health center

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved