Food Packs para sa mga Job Order Employee ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Mayor Sonny Perez Collantes , naghandog ng Grocery o Food Packs para sa mga Job Order Employee ng Pamahalaang Lungsod!
Bilang sukli sa mga masisipag na kawani ng Pamahalaang Lungsod, naghandog ng Grocery o Food Packs ang ating butihing Punong Lungsod para sa kanilang araw-araw na paglilingkod para sa ating mga kababayan.
Bahagi rin nito ang mensahe ng pasasalamat ni Mayor Sonny para sa kanilang pakikiisa at pakikipagtulungan na mapabuti at mapaunlad ang Lungsod ng Tanauan.
Kaniya ring ipinaalala na dapat ang bawat isa ay patuloy na maging tapat at maging mahusay sa kani-kanilang mga tungkulin para sa ating mga minamahal na kababayan.
Previous Mahigpit na pag babawal ng Alpas na Aso sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved