Food for Work Program, handog ng ating Punong Lungsod at Provincial Social Welfare and Development Office para sa mga biktima ng Bagyong Paeng!

Food for Work Program, handog ng ating Punong Lungsod at Provincial Social Welfare and Development Office para sa mga biktima ng Bagyong Paeng!
Sa patuloy na pagtugon ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa ating mga kababayang labis na naapektuhan ni bagyong Paeng, tuloy-tuloy ang ibinibigay na tulong ng Pamahalaang Lungsod at ng Provincial Social Welfare and Development Office ng tulong handog para sa mga biktima.
Sa ilalim ng Food for Work Program ng PSWDO at ng ating City Social Welfare and Development (CSWD) nasa 133 kababayan natin ang nahandugan ng Food packs bilang karagdagan na tulong sa kanilang mga pamilya.
Ito ay bunga ng masidhing pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod sa ating Pamahalaang Panlalawigan upang maipadama sa bawat Pamilyang Tanaueรฑo ang kalinga at pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod sa panahon ng mga sakuna at kalamidad
Nakiisa rin si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes sa naturang pamamahagi para bigyang suporta ang mga ganitong uri ng programa ng ating lokal na pamahalaan. Bahagi rin ito ng adhikain ng kanilang samahan na maging kabahagi sa pagbibigay sa serbisyo sa ating mga kababayan.
Previous Regular na pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved