First Wave ng Pamaskong Handog ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, tagumpay na naipamahagi sa walong Barangay!

First Wave ng Pamaskong Handog ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, tagumpay na naipamahagi sa walong Barangay!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, sinimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Pamaskong Handog sa iba’t ibang Barangay sa kabilang ang Janopol Oriental, Janopol Occidental, Suplang, Banjo East, Banjo West, Sambat at Gonzales.
Katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, mga Barangay Functionaries at mga Kapitan, tinatayang nasa walong Barangay ang tagumpay na nahandugan ngayong araw. Ito ay maagang regalo ng ating Punong Lungsod para sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko sa Lungsod ng Tanauan.
Bahagi rin ito ng pagsasakatuparan ni Mayor Sonny sa kaniyang ipinangako noong nakaraang kampanya na ang lahat ng Pamilyang Tanaueño ay makararamdam ng isang masaya at maliwanag na Pasko sa Lungsod ng Tanauan.
Samantala, antabayanan lamang ang mga anunsyo sa inyong mga Barangay hinggil sa nakatakdang araw para sa pamamahagi sa inyong Lugar.
Previous Ms. Generose Orna, hinirang bilang Grand Champion sa katatapos lamang na Tanauan Sing Galing 2022!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved