Educational Assistance, Mayor Collantes

Educational Assistance,Brgy. Darasa!

TINGNAN | Educational Assistance, tagumpay na ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Darasa!
Umabot sa kabuuang 3,412 na mga mag-aaral mula Brgy. Darasa ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si Atty. King Collantes ng Educational Assistance ngayong araw kasama si City Administrator Wilfredo Ablao, Barangay Affairs, City Treasury Office at mga miyembro ng kanilang Sangguniang Barangay ng Darasa sa pamumuno ni Kap. Lowi Flores.
Nakiisa rin sa aktibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Dra. Kristel Guelos at Kon. BGEN. Ben Corona na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Distribution of School Bags and Supplies, Janopol Oriental Elementary School

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved