Educational Assistance

Educational Assistance para sa College Academic Scholar at SYDP Scholar

Educational Assistance para sa College Academic Scholar at SYDP Scholar, ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw!
Umabot sa kabuuang 841 na mga Kabataang Tanaueñong bahagi ng College Academic Scholarship at Scholarship and Youth Development Program (SYDP) ang personal na nakatanggap ng educational assistance ngayong araw mula sa ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas at City Treasury Office.
Ang nasabing programa ay patuloy na ipinaabot sa bawat mag-aaral sa Lungsod ng Tanauan upang masiguradong natutugunan ang pangangailangan ng ating mga Kabataang Tanaueño partikular na ang dekalidad na edukasyon.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Information Education Campaign (IEC) on Enterpreneurship

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved