Educational Assistance , Mayor Sonny Collantes

Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Natatas!

Umabot sa kabuuang 1,341 na mga mag-aaral mula Brgy. Natatas ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kahapon, ika-12 ng Marso katuwang ang Barangay Affairs Office-Tanauan City, Batangas, City Treasury Office at mga miyembro ng kanilang Sangguniang Barangay.

Mayor Sonny Collantes, Tanauan

Kabilang rin sa nakiisa sa aktibidad na ito si TCWCC President Atty. Cristine Collantes na katuwang ng lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mga programa para sa sektor ng edukasyon.

Mayor Sonny Collantes, Tanauan

Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.

Previous Pagsasaayos ng pasilidad at Technical Working Group for Institutional Development Plan, tinalakay sa 2024 2nd TCC BOT Meeting

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved