Kaninang hapon rin, umabot sa kabuuang 1,903 na mga mag-aaral mula Brgy. Talaga at Bañadero ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.