Educational Assistance

Educational Assistance, Brgy. Banjo East at Banjo West

TINGNAN | Educational Assistance, tagumpay na ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Banjo East at Banjo West
Umabot sa kabuuang 1,178 na mga mag-aaral mula Brgy. Banjo West at Banjo East ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kaninang hapon katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga miyembro ng kanilang Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Dra. Kristel Guelos, Kon. Eric Manglo, Kon. BGEN. Ben Corona at Kon. Czylene Marqueses na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Brigada Kick-Off sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved