Ecoverde Homes Corporation

Ecoverde Homes Corporation, handang makipagtulungan kay Mayor Sonny Perez Collantes para sa pagpapasigla ng ekonomiya ng Lungsod!
Bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw kababayan nating investor mula sa Ecoverde Homes Corporation sa pangunguna ni Paolo Giovanni V. Olivares upang makipagtulungan sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mas mapalago ang mga trabaho at oportunidad sa Tanauan.
Si Ginoong Olivares ay kasalukuyang Presidente ng naturang kumpanya, inihayag nya sa ating Punong Lungsod na handang makipagtulungan ang Ecoverde Homes para sa pag-unlad ng lungsod na magbibigay ng kabuhayan sa mga Tanaueño. Kaugnay nito, patuloy ang pakikipagpulong ng ating butihing Mayor sa mga investor para rumami ang mga developer na lilikha ng maraming oportunidad sa Lungsod ng Tanauan.
Kaniya ring binigyang diin na bukas ang Pamahalaang Lungsod para sa kanilang mga kahilingan at pangangailangan. Nabanggit niya naman ang kasalukuyang isinasagawang Business One Stop Shop sa Gymnasium 1 kung saan mabilis ng nakakapagproseso ng mga dokumento at nakapagbabayad ng buwis ang mga negosyante nating kababayan sa ating Pamahalaang Lungsod.
Previous Government Insternship Program (GIP).

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved