DSWD AICS, Tanauan City, Mayor Sonny Collantes

DSWD AICS tagumpay na ipinaabot sa mamamayan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

DSWD AICS para sa 902 na mga kababayan, Tagumpay na ipinaabot ni Congw. Maitet Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Tagumpay ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development na inihatid ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan para sa 902 na mga kababayan sa Ikatlong Distrito kabilang na ang Lungsod ng Tanauan.

Bahagi rin ng nasabing programa sina 3rd District lChief of Staff Atty. King Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes na kaagapay ng ating Ina ng Ikatlong Distrito sa pagpapaabot ng pinansyal na pangangailangan ng ating mga kababayanan tulad ng Hospitalization, medical maintenance at burial assistance.

Samantala, para sa iba pang nais mag-apply ng financial, medical at burial assistance sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, i-click lamang ang link na ito para sa iba pang detalye:

Habang para naman sa LOCAL AICS, bukas mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga Tanaueñong nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.

Previous Handicrafts ng ating mga kabataang Tanaueño, ibinida sa Juanapbuhay Booth ng Trade Fair!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved