DSWD AICS para sa 500 na mga kababayan, Tagumpay na ipinaabot ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at iba pang bayan sa Ikatlong Distrito ng Batangas
Tagumpay ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD na inihatid nig Tanggapan ni Congresswoman Maitet Collantes para sa 500 na mga kababayan sa Ikatlong Distrito kabilang na ang Lungsod ng Tanauan.
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi ngayong araw sa Maligaya Compound, Brgy. Poblacion 7, Tanauan City ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama ang iba pang mga lingkod bayan mula sa Bayan ng Talisay, Alitagtag, Agoncillo at Mataas na Kahoy.
Ito ay inisyatibo ng Tanggapan ni Congw. Maitet upang matugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayang Tanaueño, lalo’t higit ng mga Batangueño sa Ikatlong Distrito katuwang ang Department of Social Welfare and Development.
Samantala, para sa iba pang nais mag-apply ng financial, medical at burial assistance sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes, i-click lamang ang link na ito para sa iba pang detalye:
Habang para naman sa LOCAL AICS, bukas mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga Tanaueñong nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.