DOLE TUPAD Payout para sa mahigit 500 na mga Batangueño

DOLE TUPAD Payout para sa mahigit 500 na mga Batangueño, tagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod at ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes!

Umabot sa mahigit 500 na mga Batangueño sa Ikatlong Distrito ang nakapag-payout sa ilalim ng programang DOLE TUPAD na inihatid ng Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at ng DOLE katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes.

Dito ay nabigyan ng pansamantalang trabaho ang ating mga kababayan upang magkaroon ng pagkakakitaan. Sila ang nagsisilbing katuwang ng Pamahalaang Lungsod para mapanatiling malinis ang kapaligiran.

Patuloy naman ang ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes para maihatid ang mga programang makatutulong sa mga Batangueño.

Previous Pamahalaang Lungsod para sa kapakanan ng kaligtasan ng ating mga kababayan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved