Dalawang Tanaueño sa RP BLU BOYS, sasabak sa Men’s Softball World Cup!
Nagpahayag ng buong suporta si Mayor Sonny Perez Collantes sa dalawang Tanaueño na lalaban sa WBSC Men’s Softball World Cup sa Auckland, New Zealand sa darating na ika-26 ng Nobyembre hanggang ika-4 ng Disyembre.
Ang dalawang mahuhusay na manlalaro na sina Mr. Efril Ian Mercado (Altura Bata) at si Mr. Kenneth Torres (Cale) ay pinangungunahan ni Coach Edwin Mercado ng Brgy. Altura Bata. Ibinalita naman ng mga atleta na walang sinasayang na panahon ang RP BLU BOYS sa preparasyon at pag-eensayo sa bansa habang nakatakda naman silang bumiyahe patungong New Zealand sa darating na ika-16 ng Nobyembre upang ipagpatuloy ang kanilang pagpapakondisyon tulad ng tune-up games.
Matatandaang itinanghal na 2nd Place ang RP BLU BOYS sa 11th Men’s Sofball Asia Cup sa Sochi, Japan kung saan naging daan ito upang makapasok ang koponan sa Men’s Softball World Cup. Una namang makakaharap ng RP Blu Boys ang America kung saan parehas itong nakaloob sa Group A kasama ang defending champion na bansang Argentina.
Kaugnay nito, naglahad din ng taos pusong suporta para sa dedikasyon at husay ng dalawang atleta sina Konsehala Kristel Guelos, Konsehala Czylene Marqueses, Konsehal BGEN Ben Corona Ret, Konsehal Eric Manglo, ABC President Kap. Ranny Fruelda at Sports Development Office OIC Max Andrew Mercado.