Keep Up the Good Work, You Are the Key for the Better Tanauan City
Dalawampu’t dalawa (22) promoted na mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang pormal na nanumpa nitong Biyernes, ika-3 ng Mayo sa Tanggapan ng mga Mamamayan na pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang City Human Resource and Development Office.
Sila ang kaagapay ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng mas malawak at magagandang programa para sa ating mga mamamayang Tanaueรฑo.
Dito, ipinaalala ni Mayor Sonny sa kanila na mahalin ang kanilang sinumpaang tungkulin at maging kabahagi para sa mga magagandang adhikain para sa ating mga kababayan at maging kaisa sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Tanauan!
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang pagbati para sa inyong Tagumpay!