D’ SQUAD Dance Group, hinirang bilang Grand Champion sa katatapos lamang na Hataw sa Galaw 2022!

D’ SQUAD Dance Group, hinirang bilang Grand Champion sa katatapos lamang na Hataw sa Galaw 2022!
Sa pagbibigay suporta at pagpapakilala ng Pamahalaang Lungsod sa natatanging husay sa iba’t ibang talento ng ating mga kababayang Tanaueño, naging matagumpay ang isinagawang Tanauan Hataw sa Galaw 2022 Grand Finals ngayong araw ika-10 ng Disyembre sa Gymnasium 1, kung saan siyam (9) na mga kalahok mula sa iba’t ibang Barangay ang nagtagisan ng galing sa larangan ng pagsasayaw.
Itinanghal bilang kampeon ang D’ Squad Dance Group habang hinirang na 1st Place ang Soul Lead Dance Group at nasa 2nd Place naman ang DSDC Dance Group. Ang naturang programa ay mula sa inisyatibo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Community Affairs Office sa pamumuno ni Mr. Ed Jallores bilang bahagi ng masayang pagdiriwang ng kapaskuhan sa ating Lungsod.
Ito rin ay handog ng ating butihing Mayor bilang pagsuporta sa mga mahuhusay na mananayaw sa Tanauan, upang maisakatuparan ang kaniyang adhikain na mapaunlad ang sining at talento ng bawat Tanaueño sa ating Lungsod na lilinang sa kakayahan at husay ng ating mga mamamayan.
Mabuhay ang bawat Tanaueño, Mabuhay ang Lungsod ng Tanauan!
Previous Tanggapan ng mga Mamamayan, patuloy ang pamamahagi ng Pamaskong Handog sa iba’t ibang sektor sa Lungsod!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved