FGen Power Ventures, Mayor Sonny

Courtesy Call of FGen Power Ventures, Inc

IN PHOTOS | Courtesy Call of FGen Power Ventures, Inc
Bilang tugon sa patuloy na pag-unlad ng Tanauan, magkatuwang na magtutulungan ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at FGen Power Ventures, Inc na kabilang sa Lopez Group of Companies, para sa pagtatayo ng Solar Farm sa ating Lungsod.
Kabilang sa mga Barangay na pagtatayuan ng proyekto ay ang Pantay Matanda, Bilog-Bilog, Sala at Pagaspas na bahagi ng lupang pagmamay-ari ng First Philippine Industrial Park. Layon nito na lumikha ng Sustainable Development Programs at pangmatagalang solusyon para sa balanse at tuloy-tuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Tanauan.
Samantala, bahagi rin ng pulong si FPIP Community Relations Officer Mr. Marco Amurao na naging daan upang ipakilala sa ating butihing Punong Lungsod ang naturang kumpanya na layunin ding makatulong upang makapagbigay ng kabuhayan at oportunidad sa ating mga kababayan.
Previous Distribution of School Bags and Supplies, Pantay Bata Elementary School

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved