Congratulations, Tanauan Institute Class of 2023 (Senior High School)

Congratulations, Tanauan Institute Class of 2023 (Senior High School)
Sa pangunguna nina Tanauan Institute Chairman Emeritus Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, isang natatanging araw ng pagtatapos para sa mga mag-aaral na Senior High School ang pinasinayaan ngayong araw, ika-14 ng Hulyo katuwang ang buong pamunuan ng nasabing paaralan.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-aaral sa pagkamit ng kanilang mga inaasam na propesyon sa hinaharap. Aniya, “Ang pag-aaral at pagsusumikap na matapos ito ay maituturing na tagumpay para sa bawat ‘graduates’, kanilang mga magulang at ng Lungsod.”
Kaniyang pinasalamatan din ang mga guro at personnel ng nasabing institusyon sa pangunguna nina Tanauan Institute President Atty. King Collantes, Atty. Cristine Collantes, Atty. Bambi Collantes-Mozo at Ms. Nikkie Collantes – Villamiel na katuwang ng ating Lokal na Pamahalaan sa pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon at paghubog ng pangarap ng bawat mag-aaral.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, hangad namin ang inyong tagumpay. Nawa’y patuloy pa rin kayong magsumikap para sa inyong magandang kinabukasan.
Previous Educational Assistance, Brgy. Cale, Luyos, Sala at Bilog-bilog

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved