Congratulations! Mayor Sonny Perez Collantes!

Congratulations! Mayor Sonny Perez Collantes!
Sa unang araw ng #UCLG Congress World Summit of Local and Regional Leaders sa Daejeon, South Korea, inihalal ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes bilang Co-President of United Cities and Local Governments para kumatawan sa buong Southeast Asia-Sub Regions. Kasabay nito ang kaniya ring pagkakahirang bilang Chairman ng Standing Committee of UCLG for Asia Pacific.
Tinatayang nasa 350 na mga speakers mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang dumalo sa nasabing pagtitipon. Kasama sa naimbitahan ang ating Punong Lungsod upang irepresenta ang League of Cities of the Philippines.
Ang Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan ay buong pusong ipinagmamalaki ang iyong dedikasyon sa serbisyo publiko! Ito ay repleksyon ng iyong tunay na malasakit sa mamamayang Tanaueño at sa Inang Bayang Pilipinas!
Previous Seminar Workshops para sa iba’t ibang Kooperatiba

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved